Miyerkules, Enero 2, 2013

Huling pag-uusap


    Tengeneneng-tengenene-tengeneneneng...
    Tengeneneng-tengenene-tengeneneneng...
    Opps. Muli na namang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext at nakaalala na naman sa akin.
    Binuksan ko ang mensahe...
    "Pare, tara kita naman tayo. Konting shot lang. Kwentuhan tayo. Itext ko rin sila," ani Berting sa kanyang text sa akin.
    "Oh, sige pre. Kailan ba?," reply ko sa kanya.
    Medyo matagal na pala nung huli kaming magkita-kitang magbabarkada, huling beses na nakumpleto kami ay noong graduation namin sa high school. Sa tuwing magkikita kami, lagi nalang may kulang. Kung hindi si ganto si ganire.
    Mag-aapat na taon na rin pala ang huling pagsasama-sama namin. Ilan sa amin.ay nag-aaral pa sa kolehiyo ang ilan naman ay nagpasya na lamang na magtrabaho at huwag na lamang magpatuloy sa kolehiyo.
    "Pards, nagyayaya si Berting na magkita-kita tayo. Ano? Game ako, kayo? Sabado ng gabi, dito sa amin," text ko sa mga kabarkada ko.
    Nagkasundo ang lahat, mukhang matutuloy ang lakad. Matutuloy, kahit na abala ang lahat sa paaralan at sa trabaho ang ilan.
    Makalipas ang ilang araw, dumating na ang pinakahihintay na araw. Excited ako sapagkat, magkikita na muli ng mga matatalik kong kaibigan. At higit sa lahat, makukumpleto kami.
    Umaga pa lamang ay naghanda na ako sa bahay, nagligpit at naghanda ako.ng kaunying makakain. Tila ba kaarawan ko sapagkat, talagang pinaghandaan ko ang araw na inaasam ko.
    Unti-unti nang kumukulimlim ang paligid. Nilalamon na ng kadiliman ang liwanag. Nagtatago na ang mga haring araw. At sa pagkakataong iyon ay paunti-unti nang magsisidatingan ang lahat.
    "Pare, kamusta na? Long time no see ah," ani Marco.
    Si Marco ay kasalukuyang nag-aaral ng kursong Engineering sa isang unibersidad sa Bulacan. Madalang mauwi sa kanilang na bahay, sapagkat siya ay nagrerenta ng matutuluyan malapit sa kaniyang pinag-aaralan.
    "Ayos lang ako, kayo ba? Tumataba ka ahh," sagot ko kay Marco.
    "Pare, buti nalang at naisipan niyong magkita-kita," ani Caloy, kaisa-isa sa mga kabarkada ko na nag-asawa matapos ang graduation noong high school, "Teka, nasan na ng ba si Berting?"
    "Papunta na raw. Nagtext kanina na mahuhuli raw siya," singit ni Kano, ang dating tingtingin ang katawan ngunit, maton na ngayon.
    "Speaking of, eto na siya," sambit mi Banjo, ang tangero ng tropa.
    "Pareng Berting!!!," sabay-sabay na ng bawat isa.
    "O, teka. Ihahanda ko lang yung pagkain natin nang masimulan na,"ani ko, na may halong pagbibiro.
    Iniwan ko muna sila sa may terrace ng bahay. Tinunton ko ang kusina at kinuha ang kaunting pagkaing inihanda ko.
    "Mga pre, eto oh. Lantakan niyo muna yong kaunting pagkain. Hahahaha," sabay baba ng taperwer na naglalaman ng kanin at ulam, "Hinay-hinay lang ha?! Bigyang puwang ang alak sa sikmura, wag magpapakabusog," dagdag ko pa.
    Hindi magkamayaw na pangangamusta at kwento ang umalingawngaw habang kumakain. Muling ibinalik ang mga kalokohan noong mga nagdaang taon. Sama-samang inalala ang mga araw na magkakasama.
    Lumalalim na ang gabi, unti-unti na muling umalis ang bawat isa.
    "Oy, Pre mauna na akong umuwi sa inyo ha?! Lagot ako kay Misis, sabi ko kasi saglit lang ako. Sa susunod na lang ulit, sama ko sila ng inaanak niyo sa susunod," pagpapaalam ni Caloy.
    "Sige pare. Basta, sa susunod huh?! Wag kang mawawala. Ikamusta mo nalang ako kay Mare," sagot ni Berting.
    "Oo, sasabihin ko. O, malapit nang pasko, wag mong tataguan.inaanak mo huh?!," panunuya ni Caloy kay Berting bago umalis pauwi.
    Nakalipas ang ilang oras, kaming dalawa nalang ni Berting ang natira. Dalawa na lang kaming naglolokohan.
    "Pare, ang gara no? Ang dami natin noong high school, tapos tayo-tayo lang ang nagkikita," malungkot na banggit ni Berting.
    "Kaya nga e, tapos ganito pa. Hindi pa tayo sabay-sabay na naghihiwalay. Yung ilan, saglit lang. Dadaan lang..." malungkot na sagot ko.
    "Kamusta na kaya ang mga classmate natin?" patanong na sambit niya.
    "Kamusta na nga kaya sila?,"
    Biglang pumasok sa isip ko na madalang talaga namin sila na makita. Tulad ko, na laging nadadaan sa kahabaan ng aming baranggay pero, iilan lang ang nakikita ko. May ilan na nakauniporme at kasalukuyang papasok o kaya naman ay pauwi galing sa ekwelahan. May ilan na, nagbebenta sa akin sa ilang tindahan sa kanto. Ngunit, may ilan rin na nakikita kobg naglalakad kasama ang anak at asawa, at ang ilan naman nagdadalang tao pa lamang.
    Lalo ko tuloy na-realize na matagal na talaga ang huli naming pagkikita.
    "Paano kaya kung magset tayo ng reunion, o kaya magkita-kitq man lang tayo kahit minsan...," ani Berting, na tila nababasa rin ang nasa utang ko gayong iyon rin ang nakikita niyang madalas sa tuwing siya ay papasok sa kaniyang pinag-aaralan.
    "Oo nga no? Sige, magset ulit tayo sa susunod na Sabado. Tapos, pagplanuhan natin," suhestyon ko sa kanya.
    "Sige, sa susunod na Sabado ulit. Saan tayo?," aniya.
    "Dito nalang ulit o kaya kila Caloy," sagot ko.
    Matapos ang usapang 'yon ay nakaramdam kami ng antok. Kaya't, napagpasyahan na naming naghiwalay at umuwi na sa kani-kaniyang bahay. At nang makaalis na si Berting, ay agad akong pumasok sa bahay ay dumiretso sa aking tulugan.
    Ngunit, bago pa ako tuluyang makatulog, narinig ko na tumunog ang aking cellphone. Tulad ng dati, muli kong binasa ang mensahe... Si Berting pala...
    "Pare, salamat sa oras niyo huh?! Masaya ako dahil nagkasama-sama ulit tayo. Kita-kits ulit tayo, wag na nating patagalin tulad nung nakaraan.
    Nga pala, napagplanuhan namin ni Toy na magkita ulit tayo sa Sabado sa kanila nalang ulit, para mapag-usapan kung kailan pwedeng magkita-kita tayong lahat na magkakaklase,"
    Kinabukasan ng gabi, muli kaming nagkita-kita. Hindi lang magbabarkada ngunit, maging halos lahat ng aming naging classmate noong high school. Hindi pa man namin napapag-usapang magbabarkada kung kailan, ngunit biglaang nagkatotoo.
    Ang ipaplanong masayang pagkikita ay kabaliktaran ang kinalabasan, isang malungkot at nakapanlulumo. Ang get-together na hindi inaasahan ng lahat. Ang pagkikita na hindi bunsod ng nakakagulat at nakakapanghinang balita... Ang biglaang pagkawala ng isang butihing kaibigan at kaeskwela. Ang biglaang pagkawala ng isang matalino, masipag at responsableng anak at estudyante.
    Ang sana ay ngiti at halakhak sa pagkikita ay napalitan ng pagtulo ng luha at panghihinayang sa pagkawala ng isang kaibigan. Kaibigan na hindi marunong magtanim ng sama ng loob.
    Nag-iiyakan ang lahat. Nanlulumo ay nanghihinayang sa mabilis na pagpanaw ng kaibigan.
    Sa araw-araw na inilalagi ng kaniyang labi sa kabilang tahanan ay siya ring bilang ng araw ng aming pagdalaw at pagsulit sa mga sandaling nalalabi ng pagkakita namin sa kanya.
    Umabot ang araw ng Biyernes, ang huling araw ng burol niya. Muling nagkita-kita ang lahat. May ilang hindi na nakarating ngunit, may ilan naman na noon lang dumating. Malungkot at hindi pa rin tanggap ang pag-alis ng isang kaibigan.
    May nagsidating rin na kaeskwela niya sa kolehiyo at noong siya ay nasa elementarya pa, bitbit ang puso na naghihinagpis sa pagkawala niya.
    Kinabukasan, araw ng Sabado. Ang araw na dapat ay magkikita kaming muli ay ang naging araw ng paghahatid namin sa kanya sa huling hantungan.
    Matapos ang misa at ang pagbabasbas sa kaniyang labi, ako ay tumayo at aking sinalaysay ang huling mensahe sa aking kaibigan na itinuring ko na ring tunay na kapatid.
    "Pare," bigla akong napahinto dahil sa biglang pagtulo ng luha ko, "hindi ko alam kung (hikbi) paano ako mamamaalam sayo. (Hikbi pahid ng luha) Noong nakaraang Sabado sabi mo magkikuta tayo ngayon... Sabi mo... Magpaplano tayo kung paano tayo magsasama-samang magkakaklase. Ang daya mo... Iniwan mo kami agad... (hikbi) Berting, mahal na mahal ka namin... Hinding-hindi ka namin makakalimutan... (pahid ng luha)"
    Matapos kong sabihin ang huling mensahe ko kay Berting, bigla kong napagtanto na, walang sinuman talaga ang nakakaalam kung kailan ang huling araw mo sa mundo tanging ang Diyos lamang na may gawa ng lahat.
    Sa kabila ng pagkawala ni Berting, itinuloy pa rin namin ang pagkikita ng buong barkada, kasama ang ilan aa aming mga kaeskwela. Ngunit, bago 'yun ay bumalik muna kami sa kanilang bahay at doon ay nagpahinga saglit.
    Nang mahimasmasan na ang lahat, muli kamong nagpaalam sa kaniyang nanay... At nangakong hindi namin siya malilimutan.
    Sa pagkikita-kita, muli naming sinariwa ang kabutihan at ang alaala ni Berting. Sa bahay kami nila Caloy natuloy.
    Matagal ang naging kwentuhan, at napagplanuhang dadalasan na ang pagkikita, tulad ng kagustuhan ni Berting. At higit sa lahat, nagkapangakuan na hinding-hindi kakalimutan ang nawalang kaibigan.
    Tunay na ang pagkakaibigan ay hindi matatawaran ng kahit ano pa man. Hindi ito mahahadlangan ng kung ano man... Kahit ang kamatayan.
    December 21, 2012
    00:12

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento