Miyerkules, Enero 2, 2013

Huling pag-uusap


    Tengeneneng-tengenene-tengeneneneng...
    Tengeneneng-tengenene-tengeneneneng...
    Opps. Muli na namang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext at nakaalala na naman sa akin.
    Binuksan ko ang mensahe...
    "Pare, tara kita naman tayo. Konting shot lang. Kwentuhan tayo. Itext ko rin sila," ani Berting sa kanyang text sa akin.
    "Oh, sige pre. Kailan ba?," reply ko sa kanya.
    Medyo matagal na pala nung huli kaming magkita-kitang magbabarkada, huling beses na nakumpleto kami ay noong graduation namin sa high school. Sa tuwing magkikita kami, lagi nalang may kulang. Kung hindi si ganto si ganire.
    Mag-aapat na taon na rin pala ang huling pagsasama-sama namin. Ilan sa amin.ay nag-aaral pa sa kolehiyo ang ilan naman ay nagpasya na lamang na magtrabaho at huwag na lamang magpatuloy sa kolehiyo.
    "Pards, nagyayaya si Berting na magkita-kita tayo. Ano? Game ako, kayo? Sabado ng gabi, dito sa amin," text ko sa mga kabarkada ko.
    Nagkasundo ang lahat, mukhang matutuloy ang lakad. Matutuloy, kahit na abala ang lahat sa paaralan at sa trabaho ang ilan.
    Makalipas ang ilang araw, dumating na ang pinakahihintay na araw. Excited ako sapagkat, magkikita na muli ng mga matatalik kong kaibigan. At higit sa lahat, makukumpleto kami.
    Umaga pa lamang ay naghanda na ako sa bahay, nagligpit at naghanda ako.ng kaunying makakain. Tila ba kaarawan ko sapagkat, talagang pinaghandaan ko ang araw na inaasam ko.
    Unti-unti nang kumukulimlim ang paligid. Nilalamon na ng kadiliman ang liwanag. Nagtatago na ang mga haring araw. At sa pagkakataong iyon ay paunti-unti nang magsisidatingan ang lahat.
    "Pare, kamusta na? Long time no see ah," ani Marco.
    Si Marco ay kasalukuyang nag-aaral ng kursong Engineering sa isang unibersidad sa Bulacan. Madalang mauwi sa kanilang na bahay, sapagkat siya ay nagrerenta ng matutuluyan malapit sa kaniyang pinag-aaralan.
    "Ayos lang ako, kayo ba? Tumataba ka ahh," sagot ko kay Marco.
    "Pare, buti nalang at naisipan niyong magkita-kita," ani Caloy, kaisa-isa sa mga kabarkada ko na nag-asawa matapos ang graduation noong high school, "Teka, nasan na ng ba si Berting?"
    "Papunta na raw. Nagtext kanina na mahuhuli raw siya," singit ni Kano, ang dating tingtingin ang katawan ngunit, maton na ngayon.
    "Speaking of, eto na siya," sambit mi Banjo, ang tangero ng tropa.
    "Pareng Berting!!!," sabay-sabay na ng bawat isa.
    "O, teka. Ihahanda ko lang yung pagkain natin nang masimulan na,"ani ko, na may halong pagbibiro.
    Iniwan ko muna sila sa may terrace ng bahay. Tinunton ko ang kusina at kinuha ang kaunting pagkaing inihanda ko.
    "Mga pre, eto oh. Lantakan niyo muna yong kaunting pagkain. Hahahaha," sabay baba ng taperwer na naglalaman ng kanin at ulam, "Hinay-hinay lang ha?! Bigyang puwang ang alak sa sikmura, wag magpapakabusog," dagdag ko pa.
    Hindi magkamayaw na pangangamusta at kwento ang umalingawngaw habang kumakain. Muling ibinalik ang mga kalokohan noong mga nagdaang taon. Sama-samang inalala ang mga araw na magkakasama.
    Lumalalim na ang gabi, unti-unti na muling umalis ang bawat isa.
    "Oy, Pre mauna na akong umuwi sa inyo ha?! Lagot ako kay Misis, sabi ko kasi saglit lang ako. Sa susunod na lang ulit, sama ko sila ng inaanak niyo sa susunod," pagpapaalam ni Caloy.
    "Sige pare. Basta, sa susunod huh?! Wag kang mawawala. Ikamusta mo nalang ako kay Mare," sagot ni Berting.
    "Oo, sasabihin ko. O, malapit nang pasko, wag mong tataguan.inaanak mo huh?!," panunuya ni Caloy kay Berting bago umalis pauwi.
    Nakalipas ang ilang oras, kaming dalawa nalang ni Berting ang natira. Dalawa na lang kaming naglolokohan.
    "Pare, ang gara no? Ang dami natin noong high school, tapos tayo-tayo lang ang nagkikita," malungkot na banggit ni Berting.
    "Kaya nga e, tapos ganito pa. Hindi pa tayo sabay-sabay na naghihiwalay. Yung ilan, saglit lang. Dadaan lang..." malungkot na sagot ko.
    "Kamusta na kaya ang mga classmate natin?" patanong na sambit niya.
    "Kamusta na nga kaya sila?,"
    Biglang pumasok sa isip ko na madalang talaga namin sila na makita. Tulad ko, na laging nadadaan sa kahabaan ng aming baranggay pero, iilan lang ang nakikita ko. May ilan na nakauniporme at kasalukuyang papasok o kaya naman ay pauwi galing sa ekwelahan. May ilan na, nagbebenta sa akin sa ilang tindahan sa kanto. Ngunit, may ilan rin na nakikita kobg naglalakad kasama ang anak at asawa, at ang ilan naman nagdadalang tao pa lamang.
    Lalo ko tuloy na-realize na matagal na talaga ang huli naming pagkikita.
    "Paano kaya kung magset tayo ng reunion, o kaya magkita-kitq man lang tayo kahit minsan...," ani Berting, na tila nababasa rin ang nasa utang ko gayong iyon rin ang nakikita niyang madalas sa tuwing siya ay papasok sa kaniyang pinag-aaralan.
    "Oo nga no? Sige, magset ulit tayo sa susunod na Sabado. Tapos, pagplanuhan natin," suhestyon ko sa kanya.
    "Sige, sa susunod na Sabado ulit. Saan tayo?," aniya.
    "Dito nalang ulit o kaya kila Caloy," sagot ko.
    Matapos ang usapang 'yon ay nakaramdam kami ng antok. Kaya't, napagpasyahan na naming naghiwalay at umuwi na sa kani-kaniyang bahay. At nang makaalis na si Berting, ay agad akong pumasok sa bahay ay dumiretso sa aking tulugan.
    Ngunit, bago pa ako tuluyang makatulog, narinig ko na tumunog ang aking cellphone. Tulad ng dati, muli kong binasa ang mensahe... Si Berting pala...
    "Pare, salamat sa oras niyo huh?! Masaya ako dahil nagkasama-sama ulit tayo. Kita-kits ulit tayo, wag na nating patagalin tulad nung nakaraan.
    Nga pala, napagplanuhan namin ni Toy na magkita ulit tayo sa Sabado sa kanila nalang ulit, para mapag-usapan kung kailan pwedeng magkita-kita tayong lahat na magkakaklase,"
    Kinabukasan ng gabi, muli kaming nagkita-kita. Hindi lang magbabarkada ngunit, maging halos lahat ng aming naging classmate noong high school. Hindi pa man namin napapag-usapang magbabarkada kung kailan, ngunit biglaang nagkatotoo.
    Ang ipaplanong masayang pagkikita ay kabaliktaran ang kinalabasan, isang malungkot at nakapanlulumo. Ang get-together na hindi inaasahan ng lahat. Ang pagkikita na hindi bunsod ng nakakagulat at nakakapanghinang balita... Ang biglaang pagkawala ng isang butihing kaibigan at kaeskwela. Ang biglaang pagkawala ng isang matalino, masipag at responsableng anak at estudyante.
    Ang sana ay ngiti at halakhak sa pagkikita ay napalitan ng pagtulo ng luha at panghihinayang sa pagkawala ng isang kaibigan. Kaibigan na hindi marunong magtanim ng sama ng loob.
    Nag-iiyakan ang lahat. Nanlulumo ay nanghihinayang sa mabilis na pagpanaw ng kaibigan.
    Sa araw-araw na inilalagi ng kaniyang labi sa kabilang tahanan ay siya ring bilang ng araw ng aming pagdalaw at pagsulit sa mga sandaling nalalabi ng pagkakita namin sa kanya.
    Umabot ang araw ng Biyernes, ang huling araw ng burol niya. Muling nagkita-kita ang lahat. May ilang hindi na nakarating ngunit, may ilan naman na noon lang dumating. Malungkot at hindi pa rin tanggap ang pag-alis ng isang kaibigan.
    May nagsidating rin na kaeskwela niya sa kolehiyo at noong siya ay nasa elementarya pa, bitbit ang puso na naghihinagpis sa pagkawala niya.
    Kinabukasan, araw ng Sabado. Ang araw na dapat ay magkikita kaming muli ay ang naging araw ng paghahatid namin sa kanya sa huling hantungan.
    Matapos ang misa at ang pagbabasbas sa kaniyang labi, ako ay tumayo at aking sinalaysay ang huling mensahe sa aking kaibigan na itinuring ko na ring tunay na kapatid.
    "Pare," bigla akong napahinto dahil sa biglang pagtulo ng luha ko, "hindi ko alam kung (hikbi) paano ako mamamaalam sayo. (Hikbi pahid ng luha) Noong nakaraang Sabado sabi mo magkikuta tayo ngayon... Sabi mo... Magpaplano tayo kung paano tayo magsasama-samang magkakaklase. Ang daya mo... Iniwan mo kami agad... (hikbi) Berting, mahal na mahal ka namin... Hinding-hindi ka namin makakalimutan... (pahid ng luha)"
    Matapos kong sabihin ang huling mensahe ko kay Berting, bigla kong napagtanto na, walang sinuman talaga ang nakakaalam kung kailan ang huling araw mo sa mundo tanging ang Diyos lamang na may gawa ng lahat.
    Sa kabila ng pagkawala ni Berting, itinuloy pa rin namin ang pagkikita ng buong barkada, kasama ang ilan aa aming mga kaeskwela. Ngunit, bago 'yun ay bumalik muna kami sa kanilang bahay at doon ay nagpahinga saglit.
    Nang mahimasmasan na ang lahat, muli kamong nagpaalam sa kaniyang nanay... At nangakong hindi namin siya malilimutan.
    Sa pagkikita-kita, muli naming sinariwa ang kabutihan at ang alaala ni Berting. Sa bahay kami nila Caloy natuloy.
    Matagal ang naging kwentuhan, at napagplanuhang dadalasan na ang pagkikita, tulad ng kagustuhan ni Berting. At higit sa lahat, nagkapangakuan na hinding-hindi kakalimutan ang nawalang kaibigan.
    Tunay na ang pagkakaibigan ay hindi matatawaran ng kahit ano pa man. Hindi ito mahahadlangan ng kung ano man... Kahit ang kamatayan.
    December 21, 2012
    00:12

Patawad


by Elmar Cundangan



Palubog na ang araw, nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Sa ganitong mga oras nagsisimulan nang mag-ayos ng gamit ang isang dalaga papasok sa kaniyang trabaho sa kabilang bayan.

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang isang dalagang may balingkinitang katawan, na tanging twalya lang ang saplot. Naghahadaling itong nag-ayos at nagbihis. Naglakad palabas ng tarangkahan hanggang sa kanto...

Habang papalabas ng kanto, hindi magkamayaw na paglingon ng paghanga sa kanya ng mga kalalakihan. Bukod sa inatsuwetehan niyang mapulang labi, umalingasaw ang pinahid niyang mumurahing pabangong regalo sa kanya ng manliligaw at kapansin-pansin din ang kurba ng kanyang katawan.

Siya si Erica, ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Ulila na siya sa ina at tanging ang ama na lang niya at ang kirida nito, kasama ang dal'wa niyang kapatid ang kapiling niya sa bahay.

"Oh, Puke nandyan ka na pala! Magbihis ka na diyan at malapit na tayong magbukas," ani Karla, katrabaho ni Erica na hindi nalalayo sa kanyang katawan ngunit, mas may matagal na karanasan sa trabaho.

Hindi pinansin ni Erica ang kanyang katrabaho, dumiretso na lang siya sa dressing room at agad na nagpalit ng damit at nagpahid ng mas makapal na kemikal sa mukha.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Erica at pumunta sa harap ng isang gusali, kung saan siya nagtatrabaho. Isang gusali na madilim at may patay-sinding christmas light, na nagpaflash ng mga letrang bubuo ng salitang :"MARIPOSA"

"Hi pogi, pasok na po kayo," ani ng isa pang babae na nakasuot ng maikling palda at tube na pang-itaas na litaw ang pusod.

Pumasok rin silang lahat, nang nagsidatingan ang maraming lalaki.

"Guys, entertainin niyo yan," utos ni Elena, mataba ngunit, tila payaso sa sobrang kapal at pula ng mga pinagpapahid sa mukha.

Hindi mapalagay si Erica, tila hindi sanay sa ginagawa niya. Kahit na may medyo matagalna siyang nagtatrabaho rito, matapos matanggal bilang waitress sa isang kainan malapit sa naturang beerhouse.

Wala pang isang oras ay tila mga lango na sa alak ang kanilang mga costumer. Nakikipagkwentuhan siya habang hinihimas-himas ang kaniyang malaking suso at hinahalik-halikan ang kanyang leeg ng hayok nahayok na lalaki.

"Pogi, nakakarami ka na," malambing na bati nito, "Gusto mo mag-VIP tayo?"

"Mapapaligaya mo naman ba ako?" pabalik na tanong ng matabang libog na libog na lalaki.

"Mapapag-usapan natin yan, depende yan sa magiging bayad mo,"

"Magkano ba ang gusto mo?"

Hindi pa nagtatagal ay napapayag din ni Erica ang matabang lalaki. Babayaran siya nito ng malaking halaga kapalit ng naglalagablab na pagkabayo niya dito.

Di pa man din tuluyan na nakakapasok sa VIP room ay pinudpod na ng lalaki si Erica ng halik, mula sa batok, patungong tainga, leeg at sa labi. Nag-eskrima ang kabilang mga dila at habang hayok na hayok ang dalawa, unti-unti nang hinuhubad ng lalaki ang pantaas ni Erica, hanggang bra at panty nalang ang matira sa dalaga.

"Putangna! Ang laki nito ahh. Mukhang solb na solb ako sayo!," ani ng malibog na lalaki.

At lalong ginanahan ang dalaga sa paghalik sa lalaki at agad na sinimulang buksan ang butones ng polo ng lalaki habang hinahalikan ang bawat pagbaba ng pagkakabukas niya ng polo hanggang pati ang pantalon nito at tanging ang brief nalang ang suot nito.

Pareho na silang hubad at tanging mga panloob nalang ang mga saplot. Ungol nang ungol habang nakahawak sa ulo ng dalaga ang lalaki. Patuloy sa paghalik ang dalaga sa puson pataas sa dibdib at pababa muli sa puson hanggang makarating sa ibabaw ng telang nagkukubli sa naninigas na manoy ng lalaki.

Hinalik-halikan niya rin iyon, kinagat-kagat at saka tinanggal ang tabing at agad na sinunggaban ang naghuhumindik sa galit na ari ng lalaki.

Natapos ang bawat pagbulusok, pawisang lumabas ang dalawa. Inabutan ng matabang lalaki si Erica ng dalawang libong pisong tip sabay halik sa noo at bumulong;

"Ang galing mo iha, Armando. Ikaw?"

"Rica ho,"

"Babalik-balikan kita iha, hanggang sa muli,"

Nakangiting naglakad patungong CR si Erica, kahit na pagod sa mainit na ginawa ay agad siyang pumunta sa waiting area at agad na nagretouch.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang maupo si Erica, nang biglaang may dumating na isang maginong binata na bagong salta lang sa beerhouse dahil mukhang inosente ito. Pinagkaguluhan siya ng mga babae at pinipilit na sila ang piliin ngunit, nang makita si Erica ay bigla siyang hinablot nito at agad nagbigay ng pera sa tulak, mabilis na lumabas ng naturang lugar at pumara ng taksi na tila may may hinahabol o pinagtataguan.

Gulat na gulat si Erica sa mabilis na pangyayari, hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Isa lang ang alam niya, siguradong kikita siya.

"San tayo pupunta?! Loko ka, bakit ka nagmamadali?!"

Hindi umiimik ang lalaking maputi at mukhang kagalang-galang.

"Manong, ihinto nyo!" ani Erica.

Nagtaka ang lalaki...

"Letche!!! San tayo pupunta?! Kung hindi mo sasabihin! Bababa ako, kahit na binayaran mo ako sa amo ko!!!"

Sumenyas ang lalaking tila nasa bente pa lamang ang edad at agad na nakuha ng driver na sa pinakamalapit na motel sila dalhin ayon sa pagkakaintindi niya sa senyas nito. Ngunit, hindi pa rin mapalagay si Erica. Ginugulo pa rin ang utak niya kung bakit nagmamadali ang lalaki.

Pagdating na pagdating nila sa Motel, agad siyang binatak nito patungo sa isang kwarto. Hindi pa man din sila nagkakapasok ay agad na tinanggal ng lalaki ang kanyang pang-itaas at sinimulang halikan ang dalaga.

Habang mapusok na hinahalikan ng lalaki ang dalaga, tinititigan niya ito at sinusubukang makilala.

"Teka! Putangna naman oh! Makikipaglampungan ka kaagad, e ni hindi man lang tayo nag-uusap!" pasigaw na sabi ni Erica. Ngayon lang siya nagkaroon ng interes sa kanyang costumer.

"Pasensya na, masyado akong nagmamadali. Hindi kasi ako pwedeng magtagal e," ani ng binata," Tapusin na natin to, babayaran nalang kita. At matapos ang gabing to, tapos na,"

"Ganun lang yun? Alam kong pokpok ako. Pero..." hindi na natapos ni Erica ang gusto niyang sabihin dahil sa agad siyang sinunggaban ng lalaki.

Wala na siyang nagawa, alam niyang bayaran lang siya. At wala siyang karapatan na tanungin pa ang mga lalaking dumadaan sa kaniya kung ayaw naman nito ipaalam ang ukol sa kaniya. Pinatos na lamang niya iyon at inisip ang pera na kikitain niya.

Natapos ang maiinit na paglabas-masok ng binata sa dalaga. At parehas silang bagsak matapos ang mainit na pangyayari. Hindi pa rin nahugugot ng lalaki ang condom na ginamit nila sa pagtatalik at nakatulugan nila iyon.

Parehas na bulagta ang dalawa. Naalimpungatan ang dalaga. Pinagmasdan niya ang binata, nakita niya ang kagwapuhan nito. Ang mapulang nunal nito malapit sa mata at ang mapupulang labi. Ang mga labi na gusto niya muling halikan at damhin. Sinubukan niyang idampi ang kanyang labi pero, naalintana ito nang gumalaw ang binata. Tinandaan niya ang itsura nito at muli siyang bumalik sa pagkakatulog.

Lumipas ang ilang minuto, ang matipunong binata naman ang nagising. Nagmamadaling nagbihis at dumukot ng pera sa pitaka saka inilapag sa kama, na kanina ay kanilang pinaggulong-gulungan.

Nakaramdam ng sikat ng araw ang dalaga. Naramdaman niya ang init ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Unti-unti niyang iminulat ang mata, nagbabaka- sakaling naroon pa ang huling lalaki na dumampi sa katawan niya. At nagulat siya nang malamang wala na ito, agad siyang bumangon at sumilip sa banyo ngunit wala. Saka niya nakita ang pera na iniwan ng lalaki sa kanya.

Bago magbihis, nagmuni-muni muna siya. Natulala. At napaisip...

"Sino kaya yung mokong na yun? Hindi man lang nagpakilala. Sana bumalik pa siya sa beerhouse. At maulit sana ang nangyari," wika niya sa sarili.

"Teka, anong oras na? (tingin sa relo) Alas 8 ng umaga?! Alas 8!!! Potek. Kailangan ko nang umuwi at kailangan kong magbawas ng kasalanan,"

Pagdating sa bahay, agad niyang iniabot ang kinita niya sa magdamag sa kanyang ama, naligo at nagbihis ng disenteng damit. Damit na hindi nakasanayan ng mga tao sa kanilang eskinita, na araw-araw niyang sinusuot. Nakalugay ang kanyang buhok at wala ni isang burloloy sa mukha.

Sa simbahan, naupo siya at taimtim na nakikinig sa sermon ng pari.

Natapos ang misa at lumapit sa kumpisalan. Lumuhod at nakayukong humingi ng tawad.

"Father, makasalanan po ako. Isa po akong bayarang babae. Napakarumi ko po. Mapapatawad pa po ba ako ng Panginoon?! (tumulo ang kanyang luha at humagulgol siya) Hindi ko na po kaya father, kung hindi lang po ako pinagbubuhatan ng tatay ng kamay, hindi ko gagawin yun. Patawad po," nagmamakaawang wika ni Erica.

"Anak, dasalin mo ang pagsisisi..." nagulat si Erica, hindi pa man natatapos ang pari ay tila nakilala niya ang boses, napatingin siya sa butas-butas na tila net na nakaharang sa pagitan nila ng pari. Inaninaw ang mukha ng pari. Tila kakilala niya kasi ang boses at sinusubukan niyang mapatunayan kung tama nga ba ang hinala niya.

Lalong bumagsak ang luha ng dalaga at agad na tumayo saka tulalang naglakad palayo sa paring nagkumpisal sa kanya. Hindi na niya nagawang magdasal bagkus, nagtatakbo palabas sa simbahan.

Nagtaka ang pari, hinabol niya ang dalaga at nagulat din siya sa natuklasan niya. Napahinto siya. Nanlaki ang mata sa gulat at agad na tumalikod saka naglakad palayo sa dalaga.

[October 22, 2012]

Martes, Marso 27, 2012

TORPEdo


by Elmar Cundangan on Saturday, August 21, 2010 at 1:41pm 

   "Pare si Joy!", sambit ng kabarkada ni Mhar na sa Kiko.

   Pagkadinig ni Mhar dito ay agad-agad siyang tumalikod at kunwaring nagtatapon ng basura. Pagkalagpas ng grupo nila Joy ay saka lamang siya bumalik sa pwesto kung saan naroroon ang kanyang mga kabarkada.

   "tsk. tsk. tsk. Paano ka makaka-iskor nian kung hindi ka man lang magpapapansin sa kanya.", pang-aasar na tanong ni Erik sa kay Mhar.

   Habang nag-aasaran at nagbibiruan ang kanyang mga kasama, siya naman ay busy sa kakaisip kay Joy.

   "Hay, swerte naman ng boyfriend niya," sambit ni Mhar sa kanyang sarili, "she's the perfect girl that the all boys want to have." dagdag pa nito.

    Dumating siya sa bahay, agad-agad siyang nagbihis at nag-bukas ng facebook at nag-post sa wall, " Kelan ko kaya masasabi sa kanya na type ko siya, na mahal ko siya?"

   Matapos iyon, nag-text si Mhar kay Joy. Sinubukan niyang sabihin ang nararamdaman niya kay Joy. Nag-reply si Joy, tinatanong kung sino siya. Nagdalawang isip si Mhar kung sasabihi ba niya o hindi. Matagal niya itong pinag-isipan pero mas minabuti niya na hindi ito sabihin.

    Bago matulog si Mhar si Joy parin ang laman ng isip nito. Hanggang sa panaginip, si Joy padin ang kasama ni Mhar. Kinabukasan, araw ng Sabado, walang pasok si Mhar gayun din si Joy. Sinubukan muli ni Mhar na i-text si Joy. Ay sa oras na iyon ay nagpakilala na si Mhar. Nag-reply si Joy. Tinanong ng tinanong ni Joy si Mhar. Hanggang halos lahat na ng istorya ng buhay ni Mhar ay naikwento na niya kay Joy.

   Nakalipas ang ilang araw, ilang padin si Mhar kay Joy at kahit na siya ay nanliligaw sa dalaga ay madalang lamang silang mag-usap, at iyon ay sa tuwing sila lamang ang magkasama. magkasama nga sila ngunit, isang metro naman ang layo nila sa isat-isa. At higit sa lahat ay hindi niya makausap at matitigan manlang ang ginintuang mata ng dalaga.

   Matagal din siyang nanligaw kay Joy. Hanggang isang araw. Nagkataong walang kasama si Joy. Agad-agad niyang nilapitan si Joy. Kinausap niya ito at hindi nagtagal ay sinubukan niyang i-open ang topic tungkol sa kanilang dalawa. tapos, inunti-unti ni Mhar si Joy, dumiskarte ang binata upang makarating sila sa tanong na, "MAAARI NA BANG MAGING TAYO?"

   At dumating na nga sila sa tanung na iyon, medyo matagal bago sumagot si Joy. Kinabahan si Mhar at sandamakmak na pawis na ang lumabas sa kay Mhar. Maya-maya ay nagsalita ang dalaga at nag-bulaslas ang mapula nitong labi na:

    "AH. GANUN BA MR. TORPE, AHMM... MATAGAL NA KASI AKOMH MAY MAHAL EE. (napayuko ang binata) AT IKAW IYON. I LOVE YOU TOO MR. TORPE."

Facebook Note.
I also passed this literary work in our RETORIKA course subject.

Tropa noon, ngayon at bukas!


by Elmar Cundangan on Monday, July 26, 2010 at 3:50pm 

“Walang iwanan huh?!” malungkot na sambit ni Elene sa kanyang mga kaibigan.

Kakatapos lamang ng graduation ceremony sa nila Elena sa Mataas na Paaralan ng Masagana. Nag-iiyakan ang lahat ng kaniyang mga kamag-aral lalo na ang kaniyang mga kabarkada. At ito ay sa kadahilanang ramdam nila ang nalalabing mga oras nila na magkakasama. Alam na nila na sandali na lamang ang oras at magkakahiwahiwalay na sila, magkakaiba na sila ng eskwelahang papasukan at may ilan ding siguradong mapupunta sa ibang lugar.

“Hoy! Pwede ba kayo ngayon? Overnight naman tayo oh. Huling araw na natin na sigurado tayong sama-sama eh... sige na!” nagmamakaawang tanong at suhesyon ni Mhar.

Sumang-ayon ang lahat. Sinulit nila ang bawat segundong tumatakbo sa kanilang karimlan. Picture taking, tawanan at sama-sama silang nagkukwentuhan at nagkakantahan. Masaya man silang lahat bakas pa din ang kalungkutan sa mukha ng bawat isa.

Naglalaro ng spin the bottle ang magbabarkada, isa sa paraan para sila ay magkaparaanan, magkaalaman at magkaaminan. Nasiyahan ang mga magbabarkada, nag-aminan. Sila ay nakaramdam muli ng kalungkutan. Sa kadahilanang naiisip nila na ‘iyon ay mamimiss nila.

“Mga tol, huwag na nating isipin na magkakahiwahiwalay tayo, isipin natin na magkakasama tayo lagi. Walang iwanan nga di’ba?” sambit ni Mhar.

Natapos ang gabing iyon. nagdaan ang ilang araw at maging ilang linggo na din. At simula noon hindi na sila muling nagkasama-sama.

“Miss ko na sila. Nasaan na ‘yung kasunduan naming hindi kami maglilimutan at walang iwanan...”bulong ni Glanifer sa kanyang sarili habang iniisip ang kanyang mga kaibigan.

Text messages na lamng ang nagdudutong sa kanila. May pagkakataon mang silang magkasama-sama ngunit sila ay laging kulang. Nadoong hindi pinayagan ng magulang ang isang o kaya naman ay mayroong sakit. Nagpaplano sila ngunit hindi sila natutuloy dahil sa hindi nagkakasundo ang mga schedule nila. Hanggang dahil sa mga bagay na ‘yun ay hindi na sila nagkakasundo at nagkakataguan na sila ng sama ng loob at nagkakatampuhan. At dahil sa problemang yaon ay nagplano na sila na magkaroon sila ng open forum.

“Mga tol, mag-Open forum tayo.” suhesyon ni Che-Che

“Wish ko lang eh, makumpleto tayo.” patanliwas na sagot ni Aj

“Kaya ‘yan. Be optimistic!” positibong sagot naman ni Karla

Ikinalat nila ang suhesyon ni Che-Che. Ngunit ito ay pumalpak.

“Hay. kalian kaya tayo makukumpleto? Kailan kaya uubra ang lahat?” malungkot na tanong ni Jess sa ibang kabarkada.

Malungkot ang lahat. Nang biglang isang araw, habang papauwi si Mhar galing sa eskwela ay nakakita siya ng kumpulan ng kabataan at siya ay masayang nagtatakbo at sumigaw...

“Thank’s God, sinagot mo ang mga hinihiling ko.” 

Facebook Note

Ang batang si Anton...


by Elmar Cundangan on Monday, July 26, 2010 at 3:49pm

“Palimos po, ate... pambili lang po ng pagkain.” nagmamakaawang panghihingi ng limos ni Anton sa lugar na kanyang pinupuwestuhan.

Ang batang si Anton ay sampung taong gulang pa lamang. Siya ay madungis, mababo at payat na payat. Hindi siya nakatuntung sa eskwela, ito ay sakadahilanang sila ay kapos sa yaman. Ang kanyang ama na si Jose ay isang lansinggero at nalululong sa ipinagbabawal na gamut, ang droga. At ang kanyang ina namanna si Marie ay nahuhumaling sa paglalaro ng Madjong, Tong-its at ng kung anu-ano pang mga sugal at kadalasan ding nakikipag-tsismisan sa mga tsismoso’t tsimosa sa kanilang lugar.

Maagang gumigising si Anton saaraw-araw. Siya ay nagliligpit at nag-iinit ng tubig bago umalis ng bahay. Matapos iyon ay lalakad na siya at pupunta na sa kaniyang pwesto. Pagdating niya sa pwesto, siya ay naghalungkat ng basurahan at tiningnan kung mayroong mga pagkain doon na maaaring kainin. Pagkain na maaari niyang ipanlaman sa kaniyang t’yan. Matapos iyon ay nagmamadali siyang pumupuwesto sa kaniyang pwesto at nagsisimula nang manglimos. Hawak niya ang lata, at isinasahopd sa bawat taong nagdadaan sa kaniyang lugar. At sa pag-uwi niya, ang perang nalilimos niya ay ibinibagay niya sa kaniyang mga magulang.

Lumipas ang mag-hapon, oras na para umuwi si Anton. Pagod na pagod si Anton at ramdam niya na tapos na ang oras at maari na siyang maglaro at magpahinga. Dinatnan niya ang kanyang ama na umiinom mag-isa sa sala. At kakatapos lang din ni Jose na gumamit ng droga.

“Hoy Anton, nasaan ang kinita mo? Nakamagkano ka ngayong maghapon? Bumili ka pa ng isa pang alak sa kanto!” pasigaw tanong at pag-uutos ni Jose sa anak na si Anton.

“Ah... eh... tay, kakaunti lamang po ang kinita ko ngayon eh... sakto lamang poi to pangkain natin ngayong gabi tay.” malumanay na sagot ni Anton sa kanyang ama.

Kumulo ang dugo ni Jose, nagalit ito at ibinato sa batang si Anton ang bote ng alak na kakaubos lamang. Nagsimula ang ingay sa bawat sulok ng bahay nila Anton. Rinig na rinig ng buong barangay ang sigawan at iyakan sa loob ng bahay nila Anton. Binugbog ni Jose ang kanyang anak.

“Dumapa ka!” galit na wika ng ama ni Anton

“Tay! Tama na po...” nagmamakaawang wika ni Anton.

Nakalipas nag ilang minuto at tumahimik na ang paligid. Tanging busina na lamang ng sasakyan at ingay na lamanhg ng mga kapitbahay na lang ang naririnig sa palagid. Ngunit, hindi padin tumatahan si Anton.

Kinabukasan, kitang kita ang mga itim na marka sa katawan ni Anton. Nagtrabaho muli siya at kahit na ramdam niya ang sakit ay hindi niya ito iniinda. Lagi siyang namamalimos ng marami si Anton. Ngunit, hindi padin nawawala ang mga gawaing ginagawa ng mga ni Jose kay Anton. Binubugbog padin siya ng kanyang ama. At kung minsan naman ay ang kaniyang ina naman ang nambub ugbog sa kanya lalo na sa mga araw na talo siya (si Marie).

Isang araw muli na namang binugbog si Anton. Awang-awa ang mga kapitbahay niya. May isang nagmagandang loob. Tumawag ito sa mga pulis at agad-agad namang rumisponde nag mga pulis.

Maingay, kumakalabog at madaming mga tao ang nakiki-usyoso sa paligid. Dumating ang mga pulis at agad-agad nilang pinaligiran ang bahay nila Anton. Pinasok ng mga pulis ang bahay. At ang bumulaga sa mga pulis nang mapasok na nila ang bahay ay lalaking may hawak na kutsilyo at puno ng dugo ang mga kamay, at isang batang duguan na nakahandusay sa sahig. 

Facebook Note