Martes, Marso 27, 2012

Ang batang si Anton...


by Elmar Cundangan on Monday, July 26, 2010 at 3:49pm

“Palimos po, ate... pambili lang po ng pagkain.” nagmamakaawang panghihingi ng limos ni Anton sa lugar na kanyang pinupuwestuhan.

Ang batang si Anton ay sampung taong gulang pa lamang. Siya ay madungis, mababo at payat na payat. Hindi siya nakatuntung sa eskwela, ito ay sakadahilanang sila ay kapos sa yaman. Ang kanyang ama na si Jose ay isang lansinggero at nalululong sa ipinagbabawal na gamut, ang droga. At ang kanyang ina namanna si Marie ay nahuhumaling sa paglalaro ng Madjong, Tong-its at ng kung anu-ano pang mga sugal at kadalasan ding nakikipag-tsismisan sa mga tsismoso’t tsimosa sa kanilang lugar.

Maagang gumigising si Anton saaraw-araw. Siya ay nagliligpit at nag-iinit ng tubig bago umalis ng bahay. Matapos iyon ay lalakad na siya at pupunta na sa kaniyang pwesto. Pagdating niya sa pwesto, siya ay naghalungkat ng basurahan at tiningnan kung mayroong mga pagkain doon na maaaring kainin. Pagkain na maaari niyang ipanlaman sa kaniyang t’yan. Matapos iyon ay nagmamadali siyang pumupuwesto sa kaniyang pwesto at nagsisimula nang manglimos. Hawak niya ang lata, at isinasahopd sa bawat taong nagdadaan sa kaniyang lugar. At sa pag-uwi niya, ang perang nalilimos niya ay ibinibagay niya sa kaniyang mga magulang.

Lumipas ang mag-hapon, oras na para umuwi si Anton. Pagod na pagod si Anton at ramdam niya na tapos na ang oras at maari na siyang maglaro at magpahinga. Dinatnan niya ang kanyang ama na umiinom mag-isa sa sala. At kakatapos lang din ni Jose na gumamit ng droga.

“Hoy Anton, nasaan ang kinita mo? Nakamagkano ka ngayong maghapon? Bumili ka pa ng isa pang alak sa kanto!” pasigaw tanong at pag-uutos ni Jose sa anak na si Anton.

“Ah... eh... tay, kakaunti lamang po ang kinita ko ngayon eh... sakto lamang poi to pangkain natin ngayong gabi tay.” malumanay na sagot ni Anton sa kanyang ama.

Kumulo ang dugo ni Jose, nagalit ito at ibinato sa batang si Anton ang bote ng alak na kakaubos lamang. Nagsimula ang ingay sa bawat sulok ng bahay nila Anton. Rinig na rinig ng buong barangay ang sigawan at iyakan sa loob ng bahay nila Anton. Binugbog ni Jose ang kanyang anak.

“Dumapa ka!” galit na wika ng ama ni Anton

“Tay! Tama na po...” nagmamakaawang wika ni Anton.

Nakalipas nag ilang minuto at tumahimik na ang paligid. Tanging busina na lamang ng sasakyan at ingay na lamanhg ng mga kapitbahay na lang ang naririnig sa palagid. Ngunit, hindi padin tumatahan si Anton.

Kinabukasan, kitang kita ang mga itim na marka sa katawan ni Anton. Nagtrabaho muli siya at kahit na ramdam niya ang sakit ay hindi niya ito iniinda. Lagi siyang namamalimos ng marami si Anton. Ngunit, hindi padin nawawala ang mga gawaing ginagawa ng mga ni Jose kay Anton. Binubugbog padin siya ng kanyang ama. At kung minsan naman ay ang kaniyang ina naman ang nambub ugbog sa kanya lalo na sa mga araw na talo siya (si Marie).

Isang araw muli na namang binugbog si Anton. Awang-awa ang mga kapitbahay niya. May isang nagmagandang loob. Tumawag ito sa mga pulis at agad-agad namang rumisponde nag mga pulis.

Maingay, kumakalabog at madaming mga tao ang nakiki-usyoso sa paligid. Dumating ang mga pulis at agad-agad nilang pinaligiran ang bahay nila Anton. Pinasok ng mga pulis ang bahay. At ang bumulaga sa mga pulis nang mapasok na nila ang bahay ay lalaking may hawak na kutsilyo at puno ng dugo ang mga kamay, at isang batang duguan na nakahandusay sa sahig. 

Facebook Note

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento